"Igigiit ng Tsina ang patakarang pagbubukas sa labas at tatanggapin ang pamumuhunan at pagpapatakbo ng mga bahay-kalakal na cyberspace mula sa ibang bansa. Dapat silang tumalima sa batas ng Tsina, at mangalaga sa interes ng Tsina at mga mamimiling Tsino." Ito ang ipinahayag kahapon ni Lu Wei, Puno ng State Internet Information Office ng Tsina, sa isang pagtitipon bilang pagdiriwang sa darating na Spring Festival, 2015.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga diplomata mula sa 79 na bansa sa daigdig, at mga kinatawan mula sa mga bahay-kalakal na dayuhan, media, at iba pa.