Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

General Purisima, walang papel sa operasyon sa Mamasapano

(GMT+08:00) 2015-02-10 15:27:43       CRI

NANINDIGAN si dating PNP chief Director General Alan Purisima na wala siyang papel sa naganap na operasyon. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na pagdinig sa Senado kanina.

Sa pagtatanong ni Senador Teofisto Guingona III sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order kasama ang Committees on Peace, Unification and Reconciliation kasama at Finance,tumanggi si Purisima na siya ang nag-utos ng operasyon sa Mamasapano noong Enero na ikinasawi ng 44 na kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police.

Ani Purisima, hindi niya nabatid na nagsimula na ang operasyon ng SAF. Nasabihan umano siya ni SAF Director General Getulio Napeñas na nagsimula na ang operasyon Linggo na Franklin M. Drilon ng umaga.

Itinanong muli ni Senador Guingona kung may nababatid na operasyon ng Special Action Force si General Purisima. Sumagot ang nagbitiw ng PNP chief na wala siyang alam na nagsimula na ang operasyon.

Tinanong ni Senador Guingona si General Napeñas kung alam ni General Purisima anh operasyon at binasa niya ang text message ni Purisima sa kanya noong ika-19 ng Enero, anim na araw bago naglunsad ng operasyon.

Mga alas seis treinta y uno noong ika-19 ng Enero, nag-text umano si Purisima na nagtatanong tungkol sa kanyang balak. Sumagot umano siya at sinabing "Sir good pm. The plan for the operation is a go on the timeline which is January 23 to January 26. The troops will move from Zamboanga."

Idinagdag pa niya na walang problema sa target area at tuloy ang paghahanda upang matiyak na handa ang mga tauhan sa operasyon. Maganda rin umano ang lansangang daraanan, dagdag pa ni General Napeñas.

Itinanong muli ni Senador Guingona kung sino ang nag-utos sa kanya noong ika-25 ng Enero na pumasok sa Mamasapano, sinabi ni General Napeñas na walang direct order sa kanya at nakabase ang kanyang desisyon ayon sa kanilang patuloy na operasyong ginagawa.

Ginipit pa si General Napeñas kung sino ang nag-utos sa kanya at sinabi niyang walang sinomang nag-utos sa kanya base na rin sa naunang operasyong kanilang ginawa. Siya umano ang nagpatakbo aypm sa malatakdang impormasyon mula Enero 23 at ika-26 ng Enero base na rin sa kanyang text message na ipinadala kay General Purisima.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>