Nag-usap ngayong araw sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Nagpahayag muna ang dalawang lider ng bating pang-Spring Festival sa isa't isa. Sinang-ayunan nilang sa bagong taong ito, magkasamang paunlarin ang sustenable, matatag, at malusog na relasyong Sino-Amerikano, at pasulungin ang mas malaking progreso ng relasyong ito.
Sa paanyaya rin ni Obama, ipinasiya ni Xi na magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Amerika sa panahon ng kanyang paglahok sa aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN) sa darating na Setyembre ng taong ito. Kapwa nila ipinaghayag ng pag-asa sa tagumpay ng pagdalaw na ito.
Salin: Liu Kai