Nang kapanayamin kamakailan, ipinahayag ni Zhang Yunling, eksperto ng Chinese Academy of Social Sciences sa isyu ng Tsina at ASEAN, na ang pagtatatag ng upgraded version ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay magpapataas sa lebel ng relasyong Sino-ASEAN.
Dagdag ni Zhang, ang pagtatatag ng upgraded version ng CAFTA ay mahalaga para sa ibayo pang pagpapalaki ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, pagpapasulong sa pagbubukas ng mga sektor ng pamumuhunan at serbisyo, at pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan.
Iminungkahi rin niyang dapat i-ugnay ang pagtatatag ng upgraded version ng CAFTA sa mga iba pang proyekto ng integrasyon ng rehiyong ito, na gaya ng pagtatatag ng ASEAN Community, Regional Comprehensive Economic Partnership, at iba pa.
Salin: Liu Kai