Sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, binuksan ngayong araw sa Quanzhou, lunsod sa timog silangan ng bansa, ang dalawang araw na pandaigdig na symposium hinggil sa 21st Century Maritime Silk Road.
Kalahok sa symposium ang mahigit 280 eksperto at iskolar mula sa mahigit 30 bansa na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika, Singapore, Indonesya, at iba pa. Magpapalitan sila ng palagay hinggil sa mga papel ng 21st Century Maritime Silk Road, mga pagkakataong dulot nito, at pagpapalakas ng kooperasyon sa usaping ito.
Salin: Liu Kai