Ipinahayag kahapon ni Khek Sysoda, Embahador ng Kambodya sa Tsina, na lubos na kumakatig ang Kambodya sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road Initiative." Umaasa siyang sa pamamagitan nito, papasok sa Kambodya ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino, para lumahok sa iba't ibang proyektong pangkooperasyon.
Binigyang-diin din ni Sysoda na ang "One Belt One Road Initiative" ay magdudulot ng mga pagkakataong pangkaunlaran hindi lamang sa Kambodya, kundi rin sa iba't ibang bansang kalahok dito.