|
||||||||
|
||
Simula February 18, ipagdiriwang ang Chinese New Year. Ang pagbibigay ng red envelopes o hongbao na laman ay pera ay isang tradisyon ng Spring Festival sa hene-henerasyong Tsino.
Ngayon, ginamit ng mga internet companies ang hongbao para makaakit ng mas maraming users.
Halimbawa, ang mga users ng e-commerce giant na Alipay ay puwedeng magbigay at tumanggap ng hongbao sa internet.
Ginawa naman ng WeChat, popular na web messaging app, ang plataporma para bigyan ng clients nito ang kani-kanilang mga WeChat friends ng hongbao. Hanggang sa kasalukuyuan, umabot na sa isang milyong Yuan RMB ng halaga ng ipinamigay na hongbao.
Ngayon, maindi ang kompetisyon ng dalawang pinakamalaking internet companies ng Tsina, Tencent at Alibaba sa internet para maka-akit ng mas maraming users.
Ano man ang layunin ng mga kompanya, gustong gusto ng mga customers ang palitan ng virtual hongbao.
Noong nagdaang taon, 8 milyong users ang gumamit ng hongbao service na ito, at umabot sa 40 milyong hongbao ang ipinamigay ng mga app users na Tsino.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |