Sa pagtataguyod ng Bangkok Bank, idinaos kahapon sa Bangkok, Thailand ang isang porum hinggil sa relasyong Sino-ASEAN.
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Ning Fukui, Embahador ng Tsina sa Thailand, na ang mga proyekto ng integrasyong panrehiyon na gaya ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road Initiative" at pagtatatag ng ASEAN Community ay magkakaloob ng mga bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag din ni Ning na dapat palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyon sa apat na aspekto na kinabibilangan ng imprastruktura, kabuhayan, pamumuhunan, at pagpapalagayan ng mga mamamayan, para palalimin ang kanilang pagtitiwalaang pampulitika, integrasyong pangkabuhayan, at pagtanggap sa kultura ng isa't isa.
Salin: Liu Kai