Narating kamakalawa sa Kuala Lumpur, Malaysia, ng mga lider ng mga sandatahang lakas ng iba't ibang bansang ASEAN, ang kasunduan hinggil sa pagbuo ng rehiyonal na military intelligence network, para mapigilan ang mga aktibidad ng mga pandaigdig na organisasyong teroristiko at ekstrimistiko at paglago ng mga organisasyong ito sa rehiyon ng ASEAN.
Ang hakbanging ito ay nakatuon ngayon, lalung-lalo na sa Islamic State (IS). Nauna rito, mayroon nang ganitong kooperasyon ang Malaysia, Indonesya, Pilipinas at Thailand, para labanan ang IS.
Salin: Liu Kai