|
||||||||
|
||
Kalahok sa symposium ang mahigit 280 eksperto at iskolar mula sa mahigit 30 bansa. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga papel ng 21st Century Maritime Silk Road, mga pagkakataong dulot nito, at pagpapalakas ng kooperasyon sa usaping ito.
Sa kanyang talumpati sa seminar, sinabi ni Liu Qibao, Puno ng Publicity Department ng Partido Komunista ng Tsina, na ang naturang Maritime Silk Road ay magpapalalim ng pagkakaibigan ng mga bansang kalahok, at magpapasulong sa kanilang komong interes.
Sinabi naman sa seminar ni Robert Kuhn, Amerikanong corporate strategist, na ang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road, kasama ng Silk Road Economic Belt ay estratehikong ideya, dahil makakabuti ito sa pag-unlad ng maraming bansa. Sinabi naman ni Muhammad Jalal, dating Embahador ng Ehipto sa Tsina, na ang "One Belt One Road Initiative" ay magpapasulong sa koordinadong pag-unlad ng daigdig, at aktibong lalahok dito ang Ehipto.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |