Mula kagabi, ipinatupad ng pamahalaan ng Myanmar ang curfew sa Laukkai, Punong Lunsod ng Kokang Self-Administered Region ng bansang ito. Sa kasalukuyan, ang Laukkai ay nasa ilalim ng kontrol ng panig militar at pulisya, at tahimik ang kalagayan sa lokalidad.
Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Myanmar, hanggang kahapon, naganap ang 13 labanan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at grupong pinamumunuan ni Phone Kyar Shin, dating Tagapangulo ng Kokang Self-Administered Region. Ikinamatay ito ng 47 sundalo, at ikinasugat ng 73 iba pa.
Salin: Liu Kai