Sa kanyang paglahok sa Pandaigdig na Seminar hinggil sa 21st Century Maritime Silk Road na idinaos kamakailan, sinabi ni Zhang Jianping, mataas na opisyal ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na bagama't hindi pa ipinalalabas ng kanyang bansa ang mga konkretong proyekto ng pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road," ang usaping ito ay papasok sa substansyal na yugto sa taong ito.
Sinabi ni Zhang na sapul nang iharap ang mungkahi hinggil sa "One Belt One Road" noong 2013, isinagawa na ng Tsina ang isang taong pag-aaral. Aniya, sa kasalukuyan, nabuo na ang grupong mamumuno sa gawain ng pagtatatag ng "One Belt One Road," at ito ay palatandaan ng ibayo pang pagpapasulong sa mga aktuwal na gawain sa usaping ito. Dagdag pa ni Zhang, interesado rin ang mga lokal na pamahalaan sa pagtatatag ng "One Belt One Road" at ipinahayag nila ang kahandaan sa aktibong pakikilahok sa usaping ito.
Salin: Liu Kai