Nag-usap kahapon sa telepono sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Pham Binh Minh, Ministrong Panlabas ng Biyetnam.
Sa pag-uusap, kapwa ipinahayag nina Yang at Pham ang pag-asang sasamantalahin ang pagkakataon ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam sa taong ito, para pabutihin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Sinabi rin nilang batay sa mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng naghaharing partido ng kani-kanilang bansa, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, buong husay na isagawa ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at maayos na hawakan ang isyu sa dagat.