Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kumakatig ang panig Tsino sa paglutas ng iba't ibang panig ng Myanmar ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.
Winika ito ni Hua kaugnay ng nagaganap na sagupaan sa kahilagaan ng Myanmar. Sinabi rin niyang sinusubaybayan ng panig Tsino ang pag-unlad ng kalagayang ito, at umaasang maisasakatuparan sa lalong madaling panahon ang pambansang kapayapaan at rekonsilyansyon sa Myanmar. Ito rin aniya ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.