Naganap kahapon ng hapon sa isang moske sa Peshawar, Pakistan ang suicide bombing na ikinamatay ng 19 na katao, at ikinasugat ng di-kukulangin sa 40 iba pa.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa alam kung sino ang maykagagawan ng insidenteng ito.
Pagkaraang maganap ang pagbomba, nagpahayag ng pagkondena si Pangulong Nawaz Sharif ng Pakistan. Nagpahayag naman si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ng pakikiramay sa pamilya ng mga nabiktima, pamahalaan at mga mamamayan ng Pakistan. Sinabi rin niyang walang anumang pangangatwiran sa pagsasagawa ng insidenteng ito.