|
||||||||
|
||
Nakakita na ba kayo ng perang papel na Renminbi (RMB)? Sa ngayon, may anim na denominasyon ang RMB; 100, 50, 20, 10, 5, at 1. Halos pare-pareho ang disenyo ng mga ito sa harapan. Dito, makikita ang larawan ni Chairman Mao Zedong, kauna-unahang pangulo ng People's Republic of China (PRC). Pero, sa likuran, ang design ay magkakaiba. Ang mga larawan sa bandang likuran ng RMB ay mga kilalang tanawin sa Tsina.
Gusto ba ninyong malaman ang mga tanawing ito? Narito't pagmasdan:
100yuan
Ang tanawin sa 100 yuan ay Great Hall of the People sa loob ng Tian'an Men Square sa Beijing. Dito idinaraos ang taunang sensyon ng National People's Congress (NPC) at Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC). Kung ihahalintulad sa Amerika, ito ay ang "Capitol Hill" ng Tsina.
50yuan
Dito makikita ang Potala Palace, sa sentro ng lunsod ng Lhasa, Punong Lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Tibet ng Tsina. Ito ang pinakakilalang holy temple ng Tibetan Buddhism.
20 yuan
Magandang tanawin sa Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina.
10yuan
Kui Gate, kanlurang gate ng Qutang Gorge sa Ilog ng Changjiang River. Ang Kui Gate ng Qutang Gorge ay matatagpuan malapit sa Lunsod ng Chongqing.
5 yuan
Ang magandang tanawin sa Taishan Mountains. Matatagpuan sa Bayan ng Tai'an ng Lalawigang Shandong sa silangan ng Tsina.
1 yuan
Ang magandang tanawin na tinatawag na "Three Pools Mirroring the Moon" sa West Lake ng Lunsod ng Hangzhou, Lalawigang Zhejiang.
Mga kaibigan, gusto ba ninyong pumasyal sa mga lugar na ito?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |