|
||||||||
|
||
MALAKING KAWALAN SA EKONOMIYA DALA NG TRAPIKO. Ipinaliliwanag ni G. Sergio Ortiz Luis (may mikropono) ng Employers Confederation of the Philippines na malaki ang nawawala sa productivity ng mga mangagawa at mga kumpanya dahil sa matinding traffic. Ayon sa mga ekonomista, hindi bababa sa P 179 milyon ang nawawala sa ekonomiya sa bawat araw. Ito ang paksa sa katatapos na "Tapatan sa Aristocrat" na dinaluhan din ni Engr. Bert Suansing, dating LTFRB Chair and LTO Administrator, Dr. Ted Herbosa ng UP-PGH ER and Trauma Department, Sr. Supt. Sheldon Jacaban ng Highway Patrol Group ng PNP, Johhny Angeles ng Automobile Association of the Philippines at Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers. (Melo M. Acuna)
MALAKI ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa matinding daloy ng mga sasakyan. Sinabi ni G. Sergio Ortiz-Luis ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na apektado ang mga kumpanya sa kakulangan ng productivity ng mga manggagawa dala ng matinding traffic. Ito rin ang sinabi ni Atty. Sonny Matula, at mayroon nang mga kawani na natanggal sa tradaho dahil pagkabalam ng biyahe mula sa kanilang mga tahanan patungo sa kanilang work area.
Ayon kay dating NSO Administrator Carmelita Nuguid Ericta, hindi bababa sa P 179 milyon ang nawawala sa Metro Manila sa araw-araw dahil sa matinding traffic.
Kapwa naniniwala sina G. Ortiz-Luis at Atty. Matula na ang tanging paraan ay ang pagtatayo ng mga mass transport facilities upang mapakinabangan ng mga mamamayan.
Idinagdag pa ni G. Ortiz-Luis na ang pinakawalang-kwentang sasakyan ay ang kotse sapagkat mangilan-ngilan lamang ang nakakasakay. Hindi rin niya maunawaan kung bakit hindi pa inaalis ang number coding ng mga sasakyan sapagkat nagdulot ito ng mas maraming sasakyan sa lansangan sapagkat umiiwas sa pagbabawal kaya't nakakabili ng dagdag na sasakyan upang magamit din ng anim na araw sa bawat linggo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |