|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika, na ang pagbibigay-dagok sa marahas na ekstrimismo ay hindi nangangahulugan ng deklarasyon ng digmaan sa Islam. Dagdag pa niya, walang anumang relihiyon ay dapat umako ng responsibilidad sa terorismo.
Nang araw ring iyon, idinaos sa White House ang pandaigdigang pulong ng paglaban sa terorismo. Nanawagan si Obama sa pamahalaan ng iba't ibang mga bansa at mga grupong panrelihiyon na magtulungan para mapigilan ang pagpapalaganap ng terorismo at pagkalat nito sa daigdig.
Sa pulong na ito, ibinahagi ng mga kalahok na kinatawan ng mga dalubhasa, pamahalaan at Non-Governmental Organizations (NGO) ang kanilang karanasan hinggil sa paglaban sa ekstrimismo.
Ang paksa ng pulong ay pagpigil sa marahas na ekstrimismo. Ang karamihan ng mga kalahok na kinatawan ay galing sa mga kasaping bansa ng koalisyon na pinamumunuan ng Amerika para labanan ang Islamic State (IS).
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |