|
||||||||
|
||
Nagpahayag kahapon ng umaga si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ng pagbating Pang-Bagong Taong Lunar sa mga mamamayan ng bansa.
Sa humigit-kumulang isang minutong video sa Facebook account niya, binati ni Lee ang mga Singaporean ng maligayang Bagong Taon ng Kambing/Tupa. Sinabi niyang ngayong taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Singapore at umaasa aniya siyang magsisikap ang sambayanan para maging malago ang bagong taon.
Noong ika-16 ng Pebrero, inoperahan si Lee dahil sa prostate cancer. Humingi siya ng isang linggo na leave.
Sa video na pambati, pinasalamatan din niya ang mga mamamayan sa kanilang hangarin na magpagaling siya sa lalong madaling panahon.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |