Ipinahayag kamakailan ni Xiao Gang, Tagapangulo ng China Securities Regulatory Commission (CSRC), na sa taong ito, gagawin ng kanyang komisyon ang mga listahan ng mga kapangyarihan at responsibilidad, para mapasulong ang reporma sa superbisyon, at ibayo pang mapatingkad ang mga papel ng pamilihan.
Ayon kay Xiao, sa ilalim ng bagong sistema, paluluwagin ng kanyang komisyon ang market access, babawasan ang pakikialam sa mga aktibidad ng pamilihan, at pasusulungin ang mas patay na kompetisyon sa pamilihan. Para rito aniya, dapat gawin ang naturang mga listahan, upang linawin ang mga kapangyarihan at responsibilidad ng kanyang komisyon. Dagdag pa ni Xiao, ang mga kapangyarihang posibleng makaapekto sa kasiglahan ng pamilihan ay hindi ilalakip sa listahan ng mga kapangyarihan.