|
||||||||
|
||
Nagpatawag kahapon sa Beijing si Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina sa embahador ng Indya sa Tsina, at nagharap ng representasyon kaugnay ng pagbisita ni Punong Ministro Narendra Modi ng Indya sa di-umanong "Arunachal Pradesh," pinagtatalunang lugar sa hanggahan ng Indya at Tsina.
Tinukoy ni Liu na malinaw at konsistente ang paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng hanggahan ng Tsina at Indya. Aniya, umiiral ang malaking pagtatalo hinggil sa silangang bahagi ng hanggahan ng dalawang bansa, at hindi kinikilala ng Tsina ang "Arunachal Pradesh."
Dagdag ni Liu, ang naturang aksyon ng lider na Indyano ay sumabotahe sa soberanya ng teritoryo ng Tsina, at lumabag sa prinsipyo at komong palagay ng dalawang panig hinggil sa maayos na paghawak ng isyu ng hanggahan. Nagpahayag siya ng lubos na di-kasiyahan at buong tatag na pagtutol ng Tsina hinggil dito.
Sinabi rin ni Liu na hinihiling ng panig Tsino sa panig Indyano na maayos na lutasin ang isyu ng hanggahan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng talastasan, at bago lutasin ang isyung ito, huwag isagawa ang anumang aksyong magpapasalimuot ng isyu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |