Ipinahayag kamakailan ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa taong ito, pasusulungin ng komisyong ito ang mga malaking proyekto ng konstruksyon ng mga imprastrukturang pangkomunikasyon.
Ang naturang mga proyekto ay kinabibilangan ng konstruksyon ng mga daambakal sa dakong gitna at kanluran ng Tsina, mga intercity railway, mga highway sa antas ng estado, ilang malaking waterway, at ilang malaking paliparan.
Samantala, ibayo pang pag-aaralan ng naturang komisyon ang mga patakaran at hakbangin, para pasiglahin ang pagpasok ng mga pribadong pondo sa konstruksyon ng imprastruktura.