Ipinahayag kamakailan ni Zhang Wencai, Pangalawang Puno ng Asian Development Bank (ADB), na ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" ay magiging lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at daigdig.
Sinabi ni Zhang na pumasok na sa substansyal na yugto ang pagtatatag ng "One Belt One Road." Ipagkakaloob nito aniya sa mga kalahok na bansa ang mas mabilis na paglaki ng kabuhayan, mas malaking pamilihan, at mas magandang imprastruktura. Makakatulong din ito sa kooperasyon ng mga kalahok na bansa sa kabuhayan, pinansya, pagpapalagayang pangkultura, at iba pa, dagdag ni Zhang.
Tinukoy din ni Zhang na ang "One Belt One Road" ay mungkahi para sa pagtutulungan, pagbabahaginan, at win-win result. Sa pamamagitan nito aniya, makikinabang nang mas marami ang mga kalahok na bansa sa integrasyon ng kabuhayan.
Samantala, ipinalalagay ni Zhang na mahirap ang pagtatatag ng "One Belt One Road," dahil kinakailangan nito ang malaking pondo, teknolohiya, at paghahanda sa iba't ibang aspekto. Aniya, sa susunod na yugto, dapat pabutihin ang koordinasyon ng iba't ibang panig, at lubos na patingkarin ang papel ng mga bilateral at multilateral na aspekto, para magkakasamang isakatuparan ang malaking proyektong ito.