Ang Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina ay daan sa paglalakbay ng mga turistang Tsino sa Biyetnam. Ito ang ipinahayag kamakailan ng lokal na departamentong panturismo ng nasabing rehiyong awtonomo.
Ayon pa sa pahayag, ang Dongxing City ng Guangxi ay matatagpuan sa purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam, at ang Exit and Entry Administration Service Center doon ay maaring mag-isyu ng exit and entry permit sa mga Tsinong tourist group na maglalakbay sa Biyetnam. Mula noong unang araw ng kasalukuyang Spring Festival hanggang ngayon, nag-isyu na ang naturang sentro ng permiso sa halos 300 tourist group, dagdag pa ng nasabing departamento.
Samantala, isinaoperasyon naman ng Fangchenggang City ng Guangxi ang cruise route mula lunsod na ito hanggang sa Ha Long Bay ng Biyetnam. Dumaraan sa halos 30 scenic spots ang rutang ito na tinaguriang "multinational maritime travel route sa daigdig, na may pinakamagandang tanawin."