|
||||||||
|
||
Isang bukas na debatehan ng United Nations (UN) Security Council (UNSC) ang idinaos kahapon bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng digmaang pandaigdig laban sa Pasismo. Kalahok dito ang mga kinatawan mula sa mahigit 70 bansa at organisasyong pandaigdig.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN na nananatiling mabisa at karapat-dapat na pahalagahan ang Karta ng UN dahil ang nukleo nito ay ang mga pangako ng mga miyembro nitong lutasin ang mga alitan sa pamamagitan ng paraang mapayapa, iwasan ang armadong sagupaan at pangalagaan ang karapatang pantao ng sangkatauhan.
Sinabi naman ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia na ang tema ng debatehang ito ay pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig at nagsisilbi itong pagkakataon para sa komunidad ng daigdig na lagumin ang mga natamong bunga at harapin ang mga hamon sa aspektong ito.
Ang Tsina ay bansang tagapangulo ng UNSC para sa buwang ito. Idinaos ang nasabing debatehan ayon sa mungkahi ng Tsina.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |