Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na muling hinihimok ng kanyang bansa ang iba't ibang may kinalamang panig ng Myanmar na magtimpi, para maiwasan ang paglala ng sagupaan sa kahilagaan ng bansang ito.
Sinabi rin ni Hong na iginigiit ng Tsina ang prinsipyong "hindi manghimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa," iginagalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Myanmar, at hindi pinapayagan ang paggamit ng anumang organisasyon o indibiduwal ng teritoryo ng Tsina para gumawa ng mga aksyong makakapinsala sa relasyon ng Tsina at Myanmar, at katatagan ng purok-hanggahan ng dalawang bansa.
Dagdag ni Hong, sapul nang maganap ang kasalukuyang sagupaan sa hilagang Myanmar, lubos na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa lokalidad, at pinananatili ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa panig ng Myanmar.
Salin: Liu Kai