Sa isang ulat na ipinalabas kamakailan, sinabi ng Moody's Investors Service na ipapalabas ng mga bangko ng mga bansang ASEAN ang mas maraming bond, para matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pautang.
Ayon sa naturang ulat, sa kasalukuyan, lumaki ng 71% ang halaga ng pautang ng mga bangko ng mga bansang ASEAN kumpara sa bilang na ito noong 2009. Samantala, ang paglaki ng pautang ay mas mabilis kaysa paglaki ng deposito, at lumiliit ang balanse sa pagitan ng pautang at deposito. Kaya, tinataya ng ulat na sa ilalim ng kalagayang ito, ipapalabas ng mga bangko ng mga bansang ASEAN ang mas maraming bond.