|
||||||||
|
||
Mahigit 5.18 milyong Tsino ang naglakbay sa ibayong dagat sa katatapos na bakasyon ng Chinese New Year o Spring Festival. Ang bilang na ito ay mas mataas ng 10% kumpara sa taong 2014.
Ayon sa datos, ang mga bansa sa Timog-silangang Asya, Hapon at Timog Korea ay nagsilbi pa ring pinakapopular na destinasyon para sa mga turistang Tsino. Dumami rin ang bilang ng mga Tsino na namasyal sa Australia, Amerika at mga bansang Europeo na gaya ng Espanya.
Ang mga pinuntahang bansang dayuhan ay nag-alok din ng mga serbisyo na gaya ng menu sa wikang Tsino para sa ikagiginhawa ng mga turistang Tsino.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |