|
||||||||
|
||
Ang mga burol sa larawan sa itaas ay mukhang "Chocolate Hills" sa Bohol , di ba? Ang larawan ay kinuha ng Xinhua News Agency sa Bayan ng Luoping, Lalawigang Yunnan, Tsina. (Feb. 25, 2015 )
Ang tanawing ito ay matatagpuan sa Bayan ng Luoping ng Lalawigang Yunnan sa Timog Kanluran ng Tsina. Ang Luoping ay isang maliit na bayan na 220 kilometro na layo mula sa Kunming, Punong Lunsod ng Lalawigang Yunnan. Ang Luoping ay kilala dahil sa magandang rape flowers field. [Photo: Xitek.com\english.cri.cn]
Sa tagsibol at taginit (mula Pebrero hanggang Hulyo), maraming turista mula sa iba't ibang lugar ang pumapasyal sa Luoping para sa magandang tanawin ng rape flowers at mga burol. Dahil sa bango ng mga bulaklak, maraming paruparo at bubuyog ang lumilipad sa malawak na kapatagan ng mga bulaklak. [Photo: Xitek.com\english.cri.cn]
[Photo: Xitek.com\english.cri.cn]
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |