Sa sesyong plenaryong idinaos kahapon, pinagtibay ng Ika-69 na UN General Assembly (UNGA) ang resolusyon hinggil sa pagdaraos ng espesyal na pulong sa darating na Mayo ng taong ito bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World Anti-Fascist War.
Anang resolusyon, ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II na nagdulot ng malaking kahirapan sa Europa, Asya, Pasipiko, at iba pang lugar ng daigdig. Pagkatapos nito, naitatag ang UN para maiwasan ang pagkaganap ng digmaan sa hinaharap.
Nanawagan ito sa lahat ng mga kasaping bansa ng UN na magkakasamang magsikap para harapin ang iba't ibang hamon at banta sa kapayapaan at katiwasayan ng daigdig, at mapayapang lutasin ang lahat ng mga hidwaan batay sa UN Charter.
Salin: Liu Kai