Sa ika-10 pulong ng sentral na namumunong grupo sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma, na ipinatawag ngayong araw sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sinabi niyang dapat patuloy na pasulungin ang reporma at pabutihin ang pangangasiwa sa estado alinsunod sa batas.
Hiniling din niyang lutasin ang mga pangunahing problema sa pamamagitan ng reporma, ipalabas ang mga pragmatikong hakbangin ng reporma, at tunay na ipatupad ang mga hakbangin ng reporma. Ang mga ito aniya ay para makinabang ng mas marami ang mga mamamayan mula sa reporma.
Salin: Liu Kai