|
||||||||
|
||
Gaganapin ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), lehislatura ng Tsina, sa darating na Marso. Ang isa sa mahahalagang agenda ng mga mambabatas na Tsino ay ang pagsuri sa rebisadong Batas sa Lehislasyon ng Tsina.
Ang pagpapasulong ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapalalim ng reporma ay ang pangunahing tungkulin ng pamahalaang Tsino sa taong ito. Sinabi ni Zhang Dejiang, punong lehislador ng Tsina na ang pagpapabuti ng sistemang pambatas ng bansa ay nagsisilbing garantiya para matupad ang nasabing tungkulin ng pamahalaang Tsino.
Ang Batas sa Lehislasyon ng Tsina ay inilabas noong 2000. Noong 2014, sinimulan itong rebisahin ng mga mambabatas. Sinabi ni Gu Shengzu, miyembro ng NPC na may mahalagang katuturan ang pagsusog sa nasabing batas dahil ang pangangasiwa sa bansa at pagpapalalim ng reporma ay umaasa sa mabibisang batas at regulasyon.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |