|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Kalusugan ng Myanmar na walang tao ang tinamaan ng epidemya ng HI5N1 bird flu na naganap sa Monyawa, sa dakong kanluran ng Mandalay, noong simula ng buwang ito, at kontrolado na ang epidemya.
Anang nasabing Ministri, dahil sa pagsiklab ng nasabing sakit, mahigit 1,400 manok at 10,000 pugo ang namatay. Anito pa, upang maiwasan ang paglala ng situwasyon, humigit-kumulang 1,500 manok at mahigit 20,000 pugo ang pinatay ng mga awtoridad.
Noong 2006, naganap sa Monywa ang unang kaso ng H5N1 bird flu ng Myanmar.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |