|
||||||||
|
||
Nagsubok-lipad kahapon sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ang pinakamalaking solar plane sa daigdig bilang paghahanda para sa kauna-unahang biyahe nito sa paligid ng buong mundo na magsisimula sa Marso.
Noong ika-26 ng Marso (local time), nagsubok-lipad sa Abu Dhabi ang Si2. (photo source: cri.cn)
Ang eroplanong Solar Impulse 2 (Si2) ay nakatakdang lumipad mula Abu Dhabi, papuntang Muscat, Oman. Tapos, dadaan ito sa Ahmedabad at Varanasi, India bago magtutungo sa Mandalay, Myanmar. Pagkatapos, magpapatuloy ito sa Chongqing at Nanjing ng Tsina.
Ang mga baterya ng eroplano ay kakargahan sa pamamagitan ng solar panels lamang na nakakabit sa mga pakpak nito.
Nagsimula ang proyektong ito noong 1999 at ang unang subok-lipad ay isinagawa noong 2010. Sina Bertrand Piccard at André Borschberg ay ang imbenter at piloto ng Si2.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |