Pinakli kahapon ni Qu Xing, Embahador ng Tsina sa Belgium, ang mga ideya sa isang bagong aklat na may pamagat na "China's Coming War With Asia," at kinatha ni Jonathan Holslag, mananaliksik ng Brussels Institute of Contemporary China Studies.
Unang-una, tinawag ni Qu na "deliberately exaggerated" ang pamagat ng aklat na ito. Sinabi niyang sa ilalim ng naturang pamagat, tinalakay ng aklat, sa katotohanan, ang hinggil sa hidwaan sa teritoryo ng Tsina at mga kapitbansa nito. Ang pamagat na ito aniya ay para lamang makaakit ng mga tao.
Kaugnay ng ideya sa aklat na hindi babalansehin ng Tsina ang mga nukleong interes nito at mapayapang pag-unlad, sinabi ni Qu na ang mga nukleong interes ng Tsina ay kinabibilangan ng 6 na aspekto na soberanya, seguridad, kabuuan ng teritoryo, pambansang pagkakaisa, sistemang pulitikal na itinakda ng Konstitusyon, at garantiya sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Ani Qu, ang mga ito ay karaniwang kahilingan ng anumang bansa, at hindi salungat sa mapayapang pag-unlad.
Kaugnay naman ng ideya sa aklat na sisiklab ang digmaan sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito dahil sa isyu ng teritoryo, sinabi ni Qu na walang katibayan ang ideyang ito. Aniya, mula noong 1949 hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng 14 na kapitbansa ng Tsina, mapayapang nilutas ng Tsina at 12 kapitbansa ang isyu ng hanggahan. Dagdag pa niya, pragmatiko ang Tsina sa paglutas sa isyu ng hanggahan na linawin ang kasaysayan at isaalang-alang din ang kasalukuyang kalagayan.