Kaugnay ng pagkakapatibay ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) sa resolusyon bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World War II, sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansa na sasamantalahin ng mga bansa sa daigdig ang pagkakataong ito para hanapin ang mabisang paraan ng pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad sa bagong kalagayan
Sinabi ni Hong na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng WWII at pagkakatatag ng UN. Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na igiit ang kanilang pangako sa Charter ng UN para likhain ang mas magandang kinabukasan.