|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng Chinese People's Institute of Foreign Affairs, dumating ngayong araw sa Beijing si Prince William ng Britanya para bumisita sa Beijing, Shanghai at Yunnan sa loob ng darating na 4 na araw.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina ng miyembro ng royal family ng Britanya, sapul nang dumalaw si Queen Elizabeth II noong 1986.
Ayon sa ulat, ang pagdalaw ni Prince William ay magtatampok sa pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Britanya.
Ayon sa itinakdang iskedyul, bibisita siya sa Forbidden City at siheyuan, isang tradisyonal na bahay sa Beijing. Sa Shanghai, dadalo siya sa isang pagtatanghal ng mga gawa ng Britanya at aktibidad ng pakikipagpalitan sa mga batang Taga-Shanghai. Sa Yunnan, bibigkas siya ng talumpati hinggil sa pangangalaga sa mga maiilap na hayop.
Bago siya dumating sa Tsina, ipinahayag ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtanggap sa pagdalaw ni Prince William. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, ibayo pang mapalalalim ang pagkaunawa ng Britanya sa Tsina at mapapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |