Isang lindol na may lakas na 5.5 sa Richter scale ang yumanig kagabi sa lugar-hanggahan ng Tsina at MyanmarAyon sa pinakahuling datos, 20 katao ang naiulat na nasugatan at sinugod sa ospital. Humigit-kumulang 62,000 mamamayang lokal ang apektado.
Ang epicenter ng lindol na naganap alas-6:24 kagabi ay matatagpuan sa Cangyuan County ng Lincang City, Yunnan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ang Cangyuan ay nasa hanggahan ng Tsina at Myanmar. Kalat-kalat ang populasyon sa Cangyuan, pero, kulang sa kahandaan sa lindol ang mga panirahang lokal. Sa kasalukuyan, 1,000 tolda, 2,000 quilt at 20,000 metro kuwadradong tarpaulin ang naipadala na ng awtoridad sa mga apektadong lugar.
Salin: Jade