|
||||||||
|
||
Isang resepsyon ay idinaos kamakalawa ng Embahadang Tsino sa Singapore bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Duan Jielong, Embahador ng Tsina sa Singapore, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, mabilis ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at walang humpay na lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Teo Ser Luck, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, na nitong 25 taong nakalipas, malawak ang larangan at mayaman ang nilalaman ng kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya pa, madalas ang pagdadalawan ng mataas na antas ng dalawang bansa, at mapagkaibigan at mahigpit ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |