Idinaos kahapon sa Bangkok ng Ministri ng Agrikultura, Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya, at iba pang may kinalamang departamento ng pamahalaan ng Thailand, ang isang porum hinggil sa paggamit ng navigation technology. Ipinahayag ng mga departamentong ito na sa hinaharap, may pag-asang ikakabit sa mga bapor pangisda ng Thailand ang Beidou Navigation System ng Tsina.
Nauna rito, sa ilalim ng kooperasyon ng may kinalamang kompanyang Tsino at panig Thai, naisagawa ang pagsubok ng Beidou Navigation System sa Thailand. Sa kasalukuyan, interesado ang panig Thai sa paggamit nito sa bapor pangisda, at gusto nilang ibayo pang alamin ang hinggil dito, para palaganapin ang paggamit ng naturang navigation system.
Salin: Liu Kai