Idinaos ngayong araw sa Beijing ang unang news briefing ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresyog Bayan (NPC) ng Tsina. Sa news briefing, isinalaysay ni Tagapagsalita Fu Ying ng sesyong ito, na nitong dalawang taong nakalipas, pinawalang-bisa ang kuwalipikasyon ng 39 na deputado ng NPC, dahil sa kanilang paglabag sa batas.
Ipinahayag ni Fu na ito ay nagpapakita ng malakas na paglaban sa korupsyon sa kasalukuyan sa Tsina, at ito rin ay resulta ng pagpapalakas ng pagsusuperbisa sa mga deputado.
Salin: Liu Kai