Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Fu Ying ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresyog Bayan (NPC) ng Tsina, na ang pagharap ng Tsina ng mungkahi hinggil sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" ay naglalayong pasulungin ang panlahat na pag-unlad ng rehiyong ito, at ihatid sa mga bansang nakapaligid ang mas maraming benepisyong dulot ng pag-unlad ng Tsina.
Tinukoy din ni Fu na sa pagpapasulong ng pagtatatag ng "One Belt One Road," dapat isaalang-alang ang maraming elementong gaya ng imprastruktura, pondo, lohistika, kapaligirang ekolohikal, at iba pa. Kaya aniya, para ipatupad ang mungkahing ito, marami pang detalyadong bagay ang dapat gawin.
Salin: Liu Kai