Ilang komentaryo ang inilathala kamakailan ng World News, pinakamalaking dyaryo ng wikang Tsino sa Pilipinas bilang pagdiriwang sa binuksang Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC).
Anito, nitong 60 taong nakalipas, ang NPC at CPPCC ay gumaganap ng positibong papel sa pagkakaisa ng nasyong Tsino, pag-unlad ng kabuhayan at pagsigla ng estado, bilang katangian ng sistemang pampulitika ng Tsina. Ito anito'y angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa.