|
||||||||
|
||
Si Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina
Sa isang news briefing ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na sa kasalukuyan, ipinahayag ng 27 bansa ang kahandaang maging bansang tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Dagdag pa ni Lou, ang AIIB ay isang rehiyonal, bukas, at multilateral na organo. Aniya, batay sa komong palagay ng naturang 27 bansa, ang bangkong ito ay bukas muna sa mga bansa sa loob ng rehiyong ito, at sa susunod na yugto, puwede ring lumahok dito ang mga bansa mula sa labas ng rehiyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |