|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga ekonomistang Tsino na ang 7% ay isang katamtamang bilis na paglaki, at ito ay angkop sa kasalukuyang kalagayan o tinatawag na "new normal" na kalagayang pangkabuhayan ng Tsina.
Ayon sa mga ekonomista, ang kasalukuyang saklaw ng kabuhayang Tsino ay lumampas sa 10 bilyong Dolyares, at ang 7% paglaki ay katumbas ng halos 800 bilyong Dolyares. Ito ay mas malaki kaysa 10% paglaki noong 5 taong nakaraan. Ayon pa rin sa pagtaya ng mga ekonomista, ang 7% paglaki ng kabuhayan ay sapat para ibayo pang paunlarin ng Tsina ang kabuhayan at lipunan, at pataasin ang kita ng mga mamamayan. Kaya, ito ay katanggap-tanggap para sa kabuhayang Tsino.
Sinabi rin ng mga ekonomista na malaki ang posibilidad na manatiling mga 7% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa darating na 20 taon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |