Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Zhou Jianping, Punong Tagapagdisenyo ng Manned Space Project ng Tsina, at Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, na ilulunsad ng Tsina sa 2016 ang Tiangong-2 Space Lab.
Dagdag ni Zhou, pagkatapos nito, ilulunsad din ng Tsina ang Tianzhou-1 Cargo Spaceship, para maghatid ng mga suplay na materyal sa Tiangong-2.
Ayon pa rin kay Zhou, sa kasalukuyan, maalwan ang iba't ibang gawain ng pagdedebelop ng Tsina ng space station, na kinabibilangan ng paggawa ng space station at bagong carrier rocket, pag-aaral sa kapasidad ng space station, pagpili ng mga astronaut, at iba pa.
Salin: Liu Kai