"Kasarinlan ng Taiwan," banta sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits
"Walang anumang hahadlang sa pagitan ng Mailand at Taiwan sa isinagawang pagtutulungan at pagpapalitan, batay sa Komong Palagay na narating ng magkabilang pampang noong 1992 at prinsipyong 'Isang Tsina'." Ito ang ipinahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang tugon sa relasyon ng magkabilang pampang. Kaugnay nito, tinukoy ni Zhou zhihuai, dalubhasa ng Mainland sa relasyon ng magkabilang pampang, na ang paggiit sa nasabing Komong Palagay ay nagsisilbing saligang batayan sa pagpapasulong ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Binigyang diin niya na ang "kasarinlan ng Taiwan" ay hadlang at banta sa pagsasakatuparan ng mapayapa at matatag na pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Ito rin ay babala sa mga puwersang nagsusulong ng "kasarinlan ng Taiwan," dagdag pa niya.
Aniya pa, isasagawa ng Mainland ang patakaran para bigyan ng aktuwal na kaginhawaan ang mga karaniwang Taiwanes at pabutihin ang kanilang pamumuhay.