Kaugnay ng Government Work Report na ginawa kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan(NPC), ipinahayag ng pahayagang Wall Street Journal, New York Times, Washington Post at iba pa, na tinatayang aabot sa 7% ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa taong 2015. Anila, ito ang pinakamababang economic growth rate ng bansa, nitong 15 taong nakalipas. Pero, dagdag nila, ito ay nagpapakita rin na binibigyan ng pahalaga ng Tsina ang kalidad ng kaunlarang pangkabuhayan, sa halip na bahagdan lamang ng pag-unlad.