|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag na inilabas kahapon ng Unyong Europeo (EU), dahil lumalala ang kalagayan ng Syria, ipinasiya ng EU ang pagsasagawa ng ibayo pang sangsyon sa pamahalaan ng Syria at mga tagasunod nito.
Ang pito (7) indibiduwal at anim (6) na organisasyon ay bagong isinailalim sa "blacklist" ng EU, dahil ang mga ito ay nagkaloob ng mga tulong sa pamahalaan ng Syria.
Ang nilalaman ng sangsyon ng EU ay kinabibilangan ng paglilimita sa pagpagsok-labas sa mga bansa ng EU at pag-freeze ng ari-arian ng naturang mga indibiduwal at organisasyon sa EU.
Hanggang sa kasalukuyan, 218 indibiduwal at 69 na organisasyon ang nasa ilalim ng "blacklist" ng EU hinggil sa pagsasagawa ng sangsyon sa Syria.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |