|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ang paraang pulitikal ay tanging paraan ng paglutas sa isyu ng Ukraine. Dapat aniya pa, patuloy na magsikap ang komunidad ng daigdig para rito.
Idinaos kahapon ng UN Security Council (UNSC) ang pulong hinggil sa kalagayan ng Ukraine. Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang kalagayan sa dakong silangan ng bansang ito. Kaya ang pangunahing gawain ngayon ay patuloy at komprehensibong pagsasakatuparan ng mga nagkakaisang posisyon na narating ng mga lider ng Rusya, Pransya, Alemanya at Ukraine sa Minsk para pasulungin ang paglutas sa krisis na ito sa paraang pulitikal.
Bukod dito, sinabi ni Wang na dapat patingkarin ng UNSC ang konstruktibong papel sa isyung ito. Dagdag pa niya, ang anumang bilateral na sangsyon ay hindi nakakatulong sa paglutas sa isyung ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |